145

Jan 31, 2019 @ 16:42
By

4 pang establisyimento ikinandado dahil sa pagdumi sa Manila Bay

Tuloy sa kanilang “Battle of Manila Bay” ang Department of Environment and Natural Resources kung saan apat pang establisyimento ang ipinasara dahil sa pagtatapon umano ng maruming tubig sa Manila Bay.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, inisyuhan ng cease and desist order ng Laguna Lake Development Authority ang Billion Building o Philippine Billion Real Estate Development Corporation na nasa Roxas Blvd., Pasay City; HK Sun Plaza (Roxas Blvd.); Tramway Bayview Buffet Restaurant (Roxas Blvd. corner Layug St.); at D. Circle Hotel (M. H. Del Pilar St., Malate, Manila).

Nagsagawa umano ang LLDA ng saturation activities sa Manila Bay at laboratory analysis sa wastewater sample kaya nadiskubre nang paglabag ng naturang mga establisyimento sa environmental law.

“They have to stop operations until na ma-correct yung kanilang violations,” ani Cimatu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?