40

Jan 12, 2021 @ 15:35
By

4 pang bansa kasama na sa travel ban ng ‘Pinas

Bukod sa China, kasama na rin ang mga bansang Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman sa ipinatutupad na mga travel restriction sa bansa.

Ayon ito kay presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kabila nito, tiniyak ni Roque na makakapasok sa bansa ang mga Filipino citizen basta sumailalim lamang sa mga screening para sa Covid-19 at mag-quarantine ng 14 araw.

Sa kabuuan, 33 mga bansa na ang kasama sa travel restrictiom sa bansa. Ito ay ang:

United Kingdom
Denmark
Ireland
Japan
Australia
Israel
The Netherlands
Hong Kong
Switzerland
France
Germany
Iceland
Italy
Lebanon
Singapore
Sweden
South Korea
South Africa
Canada
Spain
US
Austria
Portugal
India
Finland
Norway
Jordan
Brazil
China
Pakistan
Jamaica
Luxembourg
Oman

Una nang nagpatudapad ang bansa ng travel restriction noong Dieymbre 24 ng nakaraang taon bunsod ng banta ng bagong Covid-19 variant mula United Kingdom.

Bukod sa variant na ito, binabantayan din ang lima pang variant ng virus sa buong mundo.

Ito ay ang:

*South Africa: 501Y.V2
*Malaysia: 1701V
*Nigeria: P681H
*Denmark: Cluster 5
*China: D614G na sinasabing pinakakumalat sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?