22

Mar 5, 2020 @ 16:05
By

4 paaralan sa Cebu nabulabog sa bomb threat

Agad naalarma ang apat na paaralan sa Cebu City matapos makatanggap ng bomb threat, kaya sabay-sabay na sinuspinde ang mga klase rito, Huwebes ng umaga.

Ayon kay City Councilor David Tumulak, chairperson ng committee on disaster risk reduction and management, apektado ang Mambaling Elementary School, Cebu City National Science High School, Hipodromo Elementary School at Abellana National School matapos makatanggap ng bomb threat at makumpirmang peke ang balitang may banta sa mga nasabing paaralan.

Nilinaw ni Tumulak na nangyari na rin ang bomb threat issue noong 2019, kung kailan nakatanggap ng text messages at tawag sa telepono ang mga paaralan na mayroon umanong nakatanim na bomba sa loob ng school campus.

Kaugnay nito, pinaalalahanan na rin ng konsehal ang lahat ng paaralan at gusali sa Cebu na maging maagap at agad na ipaalam sa pulisya sakaling may matanggap na pananakot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?