26

Dec 3, 2021 @ 17:05
By

4 online seller ng mga agaw na motorsiklo nalambat

Arestado ang apat na lalaking nag-aagaw umano ng motorsiklo at ibinebenta ito online.

Kadalasan umanong biktima ng mga suspek ay mga delivery rider sa Rizal, ayon sa ulat sa “Unang Balita”.

Kabilang umano ang mga suspek sa sindikatong Palco Group.

Ani Police Col. Madelia Pedrezuela, provincial officer ng Criminal Investigation and Detection Group-Rizal, masyado nang organisado ang nasabing sindikato dahil may mga tagapitas, tagabenta at taga-ayos ng papel ang mga ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Plomantes, Jay-R Palco, Jomidel Alcaraz at Jerome Loyola.

Depensa ng mga suspek, hindi sila carnapper. Nadamay lamang daw sila at nakapagbenta ng nakaw nang hindi nila alam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?