122

Dec 17, 2017 @ 11:21
By

4 NPA sumuko sa Maguindanao

Kusang loob na sumuko sa militar ang apat na miyembro ng New Peoples Army sa Maguindanao noong Sabado.

Kinilala ang mga ito na sina Ariel Biluwal, 29 anyos, Oting Ginta, 21 anyos, Michael Malik, 23 anyos at Jane Gintangan 19 anyos kapwa mga taga Esperanza, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Philippine Army ang apat na dating mga rebelde ay sumuko sa 1st Mechanized Infantry Battalion in Brgy Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang dalawang M16 rifles, isang homemade Uzi at isang Improvised Explosive Device.

Sa pahayag ng AFP ang pagsuko ng apat na rebelde ay resulta ng magandang ugnayan ng militar, civil authorities, at mga traditional leaders. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?