48

By

4 notoryus na tulak nalambat sa Marikina

Apat na kilalang tulak ng iligal na droga ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operations sa mga barangay Nangka at Kalumpang sa Marikina City kagabi.

Bata sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Rodrigo Senga, alyas Putol, 34; Michael Gomez, 20; Jhabeer Limbuba, 18, at Thomas Cabato, 52, pawang mga residente ng nabanggit na siyudad.

Ayon kay P/Insp. Greco Gonzales, unang ikinasa ang buy-bust operations bandang alas-9:15 ng gabi ng Lunes sa No. 131 M.A Roxas St., Barangay Kalumpang, kung saan naaresto sina Senga at Gomez matapos makipagtransaksyon sa mga police poseur buyer.

Habang bandang alas-11:15 ng gabi, isinagawa ang ikalawang operasyon sa No. 983 Daang Bakal, Bagong Silang St., Barangay Nangka, matapos makabili ng shabu ang mga pulis sa mga suspek na sina Limbuba at Cabato.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu, dalawang P500 na ginamit bilang buy-bust money at isang digital weighing scale.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?