88

Oct 22, 2017 @ 15:48

4 nalambat sa ‘dice’ sa Pasig

Hindi na nakapalag pa ang apat na nagpupustahan gamit ang ‘dice’ makaraang malambat sila ng Pasig police sa magkakahiwalay na lugar na sakop ng Barangay Pinagbuhatan, kamakalawa.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni SSupt. Romulo Sapitula, unang naaresto sina Alberto Masagnay y Pacia at Butch Benedict Turingan y Hayuhay, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Pinagbuhatan habang aktong nagsusugal gamit ang dice bandang  6:00 Biyernes ng gabi sa loob ng Villa Monique, Pinagbuhatan, Pasig City.

Habang naaresto naman bandang alas 10:40 Sabado ng gabi sina Marco San Agustin y Diaz at Joseph Diaz y Pandalan, kapwa residente ng Baltazar St. nang magsagawa ng operasyon ang tauhan ng PCP 8.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang pares ng dice at pantayang pera na nagkakahalaga ng nasa mahigit P400 lamang.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act at kasalukuyang nakakulong sa  Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?