ABANTE arestado retired police arrested jail crime
By

4 na wanted, 2 tulak timbog sa QC

Sharing is caring!

Apat na wanted at dalawang drug pusher ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang magkakasunod na anti-crime operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa isinumiteng report ni QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt Guillermo Eleazar, ang apat na wanted ay sina Glen Asfa, 37 ng 70-C Villa España, Brgy. Tatalon; Melcarlo Villapando, 32; Rafael Crame ng Esperanza St., Hilltop Subd., Lagro, Quezon City at Emmanuel Ulip, 55 ng Brgy. East Kamias.

Ang apat ay nadakip sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City mula ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-10 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte dahil sa mga kasong Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act of 2004, Robbery, Estafa at paglabag sa BP 22 o bouncing check law.

Nadakip naman ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng La Loma Police Station (PS-1) na pinamumunuan ni Supt Robert Sales sina Nicolas Lusong, 50, dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot.

Habang si Ronaldo Dela Cruz ,47 anyos naninirahan sa no. 393 Visayas Avenue Barangay Tandang Sora, Quezon City ay nadakip ng mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS-3) sa isinagawang oplan sita at nakuhanan ng droga.

Pinuri ni Esquivel ang kanyang mga tauhan sa patuloy na isinasagawang anti-criminality campaign na nagreresulta ng sunod-sunod na pagkakaaresto ng mga taong wanted sa batas at ayaw parin tumigil sa pagtutulak ng bawal na gamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?