54

Oct 10, 2017 @ 11:15

4 na terorista sumuko sa Sultan Kudarat

Sumuko na sa militar ang apat na terorista sa Sultan Kudarat noong Lunes ng gabi, ayon sa ulat Western Mindanao Command.

Nakilala ang mga sumuko na sina Beboy Flang Mek, Arjohn Dang Blagan, Osing Samandal Kuyan, at Robert Panday Balabagan na pawang mga miyembro ng Myphone Platoon, GF73.

Kasamang isinuko ng mga terorista ang dalawang M16 rifles, at AK47 rifle.

Pinamumunuan ng isang Mommy, Decay o Wada ang  GF73.

Nabatid na nagsasagawa ng operasyon ang teroristang grupo sa South Cotabato at Saranggani.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 45 na miyembro ng GF73 ang sumusuko sa awtoridad.

Kahirapan sa pamumundok ang dahilan ng mga terorista kung kaya nagbalik loob sa pamahalaan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?