29
views
ABANTE TNT rep roger mercado charter change term local official
By

4 na taong termino para sa local officials, ihihirit sa Cha-Cha

Sharing is caring!

Nakukulangan ang mga lokal na opisyal sa kanilang tatlong taong panunungkulan sa gobyerno.

Kaya naman inamin ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng House committee on constitutional amendments na isa ang usapin ng term extension sa posibleng ihirit sa panukalang charter change.

Tinaya ni Mercado na nasa 60-40 ang pabor na gawing 4 na taon ang termino ng elected officials

“Sabi nga nila yong 3 years is very short. Kasi election mode, ganyan, after 3 years election na naman. Too divisive. At saka kulang yon na makabuo o makakumpleto siya ng proyekto sa kanyang distrito, municipalities, cities and provinces,” paliwanag ni Mercado.

Nilinaw naman ng kongresista na wala silang balak na galawin o pahabain ang termino ng pangulo, bise presidente at mga senador.

“Yong sa presidente ok na yon. 6 years,” ani Mercado.

Sa Kamara, nasa period of interpellation na ang House Resolution No. 9 na nananawagan para magconvene ang Senado at Kamara sa Constituent Assembly bilang paraan ng pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Tinaya ni Mercado na matatapos at mapagbobotohan ng mga kongresista ang Con-Ass resolution ngayong Enero at maipadadala ito sa Senado pagsapit ng Pebrero. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?