8
jailed1
By

4 na pusher nalambat sa Marikina

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng apat na kilalang tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operations sa Barangay Nangka, Marikina City, (Huwebes) kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Insp. Greco Gonzales ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina Police, nakilala ang mga suspek na sina Eduardo Garcia Jr. Y Mismanos, 42-anyos, residente ng Barangay Concepcion, Gadfrey Faenza y Rozero, 39-anyos, ng Barangay Parang Marikina City; Renan Santos y Cadiao, 37-anyos at Reginald John Santos y Roque, 26-anyos, kapwa naninirahan sa Barangay Nangka, Marikina City.

Ikinasa ang buy-bust operations bandang alas-otso kamakalawa ng gabi sa Bagong Silang St. Barangay Nangka, matapos ang surveillance laban sa mga suspek na nagtutulak ng iligal na droga.

Nakipagtransaksyon sa isa sa mga suspek ang isang pulis na umaktong buyer at doon na nalambat ang apat na tulak matapos ang abutan ng droga na naganap.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu at P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?