ABANTE arestado retired police arrested jail crime
By

4 na pulis-Maynila, dinampot ng NBI, PNP sa pangingikil

Sharing is caring!

Apat na pulis-Maynila ang inaresto ng pinagsamang elemento ng National Bureau of Investigation at PNP-Counter Intelligence Taskforce sa Maynila dahil sa pangingikil sa isang foreigner.

Ang mga nahuli ay mga miyembro lahat ng Intelligence Section ng Malate Police, isa dito ay may ranggong SPO3, isa ay PO3 at dalawa ay PO1.

Ang apat ay inireklamo ng isang Egyptian national nang iligal na pag-aresto sa kanya at extortion.

Sa kwento ng complainant, inaresto siya ng nasa 10 pulis noong Abril 9 dahil umano sa paggamit ng droga.

Noong una hiningan umano siya ng mga pulis ng P200,000 tseke kapalit ng kanyang kalayaan pero pumayag na ibaba ito sa P50,000 cash.

Nahuli ang 4 sa ikinasang entrapment ng NBI at PNP sa kanto ng Quirino at Mabini sa Maynila.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang NBI para sa iba pang kasabwat ng mga nahuling suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?