29
views

By

4 na pelikula sa 2018 MMFF inilabas na

Sharing is caring!

IBINUNYAG na ng Selection Committee ng 2018 Metro Manila Film Festival ang unang apat na pelikulang pasok sa taunang filmfest sa Disyembre.

Ayon sa komite na pinamumunuan ni National Artist Bienvenido Lumbera ang apat na pelikula ay ang horror-thriller Aurora ng Viva Films at pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Ang fantasy-comedy Fantastica: The Prince, The Princess and The Perya ng ABS-CBN Productions at Viva Films na kinatatampukan ni Vice Ganda.

Ang romance inspired Girl in the Orange Dress ng Quantum Films at MJM Productions nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Sam Milby at Tom Rodriguez

At Popo en Jack: The Puliscredibles ng MZet Prod, APT Entertainment at pinagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin.

Sinabi ni Lumbera na ang pagpili sa apat ay base sa mga sumusunod na criteria; artistic excellence- 40%; commercial appeal – 40%; Filipino cultural sensibility – 10% at global appeal – 10%.

Dagdag pa nito, ang apat pang pelikula na mapipili sa hanay ng 24 scripts ay malalaman sa Setyembre. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?