31

By

4 na nat’l jr netter pumasok sa semis

Sulong sa semifinal round ang PH Junior Lawn Tennis Team sa mixed team event ng 2019 Colorful Yunnan Belt and Road Initiative Kunming International Tennis Tournament sa Gloria Hotspring Resort Tennis Center sa Kunming China nitong Miyerkoles.

Kumubra ng panalo si Exequiel Jucutan kasama sina Jude Hidalgo, Jufe-ann Cocoy at Minette Bentillo upang pabagsakin ang Myanmar at Laos sa parehong 3-0 upang patablahin ang bansa sa Thailand sa tuktok ng Group A.

Nakatuon ang mga Pilipino laban sa Thailand na magpapasya sa mga eentra Final 4.

Bagsak naman national men and women netters sa host Anning China, 1-4 ,at sa Sri Lanka, 2-3, sa mixed team event.

Kaya kailangang manalo nina university standouts Marcen Gonzales, Gab Tiamzon, Aidyll Ignacio at national women players Marian Jade Capadocia, Anna Clarice Patrimonio at Shaira Rivera kontra Magnolia sa huling round para sumalo sa Thais at Sri Lankans sa posibleng 3-2 kartada.

Nasa semis na ang Anning China at Hongkong sa Group A habang ang Malaysia sa Group B.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?