By

4 na mahalagang yugto sa buhay-basketbol ni Paras

Sharing is caring!

NASAKSIHAN ng Abante ang apat na mahalagang bahagi sa buhay basketbol na halos dalawang dekadang kinasangkutan ni Venancio Johnson Paras, Jr. o mas kilala sa palayaw niyang Benjie.

Tampok roon ang pagkakapanalo niya ng rekord sa professional ranks ng Rookie of the Year at Most Valuable Player award sa Philippine Basketball Association noong 1989.

Bunsod iyon sa paggiya niya sa Shell sa segunda sa Open, tersera sa All-Filipino at pang-anim o kulelat sa Reinforced Conference ng pro league.

Bilang national player na kasapi ng Philippine men’s basketball team, na nag-uwi siya ng silver medal sa 11th Asian Games 1990 sa Beijing, China.

Sa amateur bilang miyembro ng Philips Sardines, nagkampeon siya sa 1988 Philippine Amateur Basketball League na kalauna’y naging PBL at ngayo’y PBA D-League na. Nasilat ng sardinas ang Magnolia.

Samantalang sa collegiate career naman ay nang mamayagpag ang University of the Philippines Fighting Maroons sa 49th University Athletic Association of the Philippines 1986-87 men’s cagefest , tinimbog sa winner-take-all game ang University of the East.

Tapos ng 14 na taon sa pro career, nagretiro noong 2003 at nag-coach ang magsi-50-anyos na sa parating na Oktubre 2 na si Paras.

Pero mas nakilala siya bilang aktor sa paglabas sa mahigit 20 pelikula noong 1989-2017 at sa humigit –kumulang sa 80 programa’t teleseryeng pang telebisyon. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?