123

Dec 17, 2017 @ 18:06
By

4 na kumpaniya kinasuhan ng tax evasion

Apat na mga kumpanya ang ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reklamong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) dahil sa P52 million na halaga ng tax liability.

Partikular na inireklamo ng BIR ng paglabag sa National Internal Revenue Code ang Abatech Corporation, Amberbase Solutions Philippines Corporation, Ira General and Security Services Incorporated at Worklinks General Services Company.

Kasama rin sa mga kinasuhan ng BIR ang mga presidente at corporate officers ng apat na kumpanya.

Ang Ira General ay hinahabol ng BIR dahil sa P28.66 million na utang sa buwis para sa taong 2010.

Ang Amberbase naman ay inakusahan ng kabiguan na magbayad ng P16.48 million na buwis para sa taong 2008.

Ang Worklinks at Abatech naman ay sinampahan ng reklamo dahil sa umano’y tax deficiency na P4.3 million noong 2010 at P2.64 million noong 2008.

Nagpasya ang BIR na ituloy ang asunto matapos na mabigo ang apat na kumpanya na bayaran ang kanilang obligasyon sa kabila ng mga ipinadalang “notices for payment” ng ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?