56
arrested
Oct 22, 2017 @ 15:45

4 na kawani ng funeral parlor, nameke ng death certificate

Inireklamo sa pulisya ang apat na kawani ng isang punerarya sa Lungsod ng Maynila dahil sa pamemeke ng death certificate ng isang namatay na babae.

Kabilang sa iniimbestigahan ng Manila Police ay sina Pascasio Pasky Ilagan II,  Joselyn Delos Santos, Christopher Lantada at isang nakilala lang sa alyas Bong, na nagtratrabaho sa Ilagan Funeral Homes sa 2364Onyx St. Sta. Ana, Maynila.

Ang apat na empleyado ay inireklamo sa MPD-General Assignment and Investigation Section  ng biktimang si  Ryan Espera, 38-anyos,  ng Kasiglahan, Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Espera, nagsabwatan ang apat na suspek upang  palsipikahin ang death certificate ng kanyang ina na si Ma. Anthonette Delgado Osama  noong  Hulyo 10,2017 sa Sta. Ana  at Manila City Hall.

Natuklasan lamang ani Espera na pineke ang birth certificate matapos niya itong personal na beripikahin noong nakalipas na linggo nang kumuha ng benepisyo ng kanyang ina.(Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?