60

By

4 na job fairs sa Labor Day isasagawa ng DOLE-7

Magkakaroon ng tatlong job fairs sa Cebu at isa sa Dumaguete kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Labor Day, saad ng Department of Labor and Employment sa Central Visayas (Dole-7).

Ayon ay Dole-7 Director na si Salome Siaton, mahigit 18,000 local at overseas jobs ang ihahain sa magaganap na job fairs na nakatakda sa Mayo 1.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Siaton na ang mga job fair ay gagawin sa SM City Cebu, main venue ng naturang aktibidad, Cebu Provincial Capitol, Mandaue Sports Complex at Robinson’s Place Dumaguete.

Tinatayang nasa 860 posisyon at 7,658 overseas job ang ihahain sa job fair sa SM City Cebu Trade hall na isasagawa mula alas-10 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.

“What makes the conduct of Job Fair at SM City Cebu slightly different from the rest of the Job Fairs is it is being patterned after the idea of Trabaho, Negosyo, at Kabuhayan (TNK), whereby jobseekers, who would not be lucky enough to get a job would have an option to go to the Negosyo Center of the Department of Trade and Industry to get business counseling, some tips in starting up a business and other services,” paliwanag ni Siaton.

Ang tatlong iba pang job fair ay magsisimula naman ng alas-8 ng umaga at matatapos ng ala-5 ng japon.

Nagbigay abiso si Siaton sa mga jobseekers na magdala ng mga requirement gaya na lamang ng biodata; 2×2 picture; certificate of employment; diploma/transcript of records; a authenticated birth certificate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?