68

Jan 23, 2021 @ 15:19
By

4 na fixer sa Marikina inalok si Mayor Teodoro ng registration, timbog

Arestado ang apat na fixer sa Land Transportation Office – Marikina matapos nilang parahin ang sasakyan ni Mayor Marcelino Teodoro para alukin ng ‘mas mabilis’ na proseso ng rehistrasyon ng sasakyan.

Ayon sa alkalde, mag-iinspeksyon dapat siya ng isang proyekto sa siyudad nang bigla itong pinara ng mga fixer para sa kanilang ‘mas mabils’ na serbisyo.

Nagduda ang alkalde dahil walang suot na uniporme ang mga ito.

Doon na siya kinutuban na fixer ang mga lalaki.

Agad na tinawagan ng alkalde ang mga pulis at pinadampot ang mga fixer.

Ayon sa ulat, sumailalim na ang tatlo sa mga inquest proceeding para sa paglakad ng kanilang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?