30

Jan 31, 2018 @ 10:28

4 na drug pushers timbog sa Bulacan

Hindi na nakapalag ang apat na tulak ng droga makaraang makorner sila ng awtoridad at makumpiskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Malolos City at Angat ,Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang naarestong sina Rhaymart Guansing y Collado,20,ng Barangay Sta.Isabel;Dave Aron Eugenio y Usman,19,kapwa binata ng Barangay Look 2nd,kapwa sa Malolos City at Ranilo Yanga y Gabay,29,ng Barangay Balungao,Calumpit.

Ang tatlong suspek ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sumapang Matanda,Malolos City kamakalawa ng gabi at nakuha sa kanilang pag-iingat ang walong pakete ng damo bukod pa sa marked money at hindi na pumalag ng tatlo nang kumagat sa entrapment operation.

Samantala,nasakote naman sa isa pang operasyon ang suspek na si Joshua Philip Tolentino y Canega alias JB,19,binata,construction worker ng Barangay Partida,Norzagaray at nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang medium size sachet ng damo sa buy-bust sa Barangay Pulong-Yantok, Angat, Bulacan. (Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?