59

Oct 12, 2017 @ 16:14

4 na dabarkads dinakma sa pot session

Kalaboso ang nasa apat na magbabarkada na binubuo ng tatlong mga kababaihan at isang lalaki matapos na mahuli sa aktong nagsisihithitan ng shabu o nagpa-pot session sa isang sementeryo sa Lungsod ng Malabon Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Emmalyn Brasilen, Jeanne Gallego, Fermina Martin at Crisanto Roste, Alyas Bisaya, 39 anyos ng Bisig ng Nayon na pawang sa Lungsod ng Caloocan.

Kasalukuyan umano noong rumoronda ang mga barangay tanods kasama si PO1 Jasmin Maquinab sa loob ng Tugatog Public Cemetery nang mamataan ang mga suspek na nagkukumpulan sa isang sinding kandila na nakapatong sa isang nitso.

Agad nila itong pinuntahan at nang lapitan ay nahuli nilang sumisinghot ng shabu. Agad nila itong dinampot at dinala sa himpilan ng pulisya. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?