0
views

By

4 na bata ni Ting may silver, bronze sa 24th SEAJCTTC

Sharing is caring!

PUMANG-APAT ang Philippine national junior table tennis team sa nahampas na isang silver at 2 bronze medals sa 24th Southeast Asian Juniors and Cadets Table Tennis Championships 2018 noong Hulyo 4-8 sa Robinsons Place-Naga City.

Nasakote ng cadet girls doubles pair nina Althea Jade Gudes at Kheith Rhynne Cruz ang unang silver medal ng bansa sa kasaysayan ng torneo na nilahukan ng 127 paddlewielders mula sa 7 bansa.

May bronze pa sina Cruz at Gudes kasama si Janna Paculba sa cadet girls team event, habang kumukumpleto sa mga bata ni Philippine Table Tennis Federation, Inc. president Ting Ledesma na nakamedalya sa pamamagitan ng bronze rin si Jannah Maryam Romero sa junior girls singles.

Sinakote ng Singapore ang 11 sa 13 gold tungo sa pag-upo sa trono ng pangkalahatang kampeonato. May 2 silver at 10 bronze pa ang city state sa 5 araw na hatawan na eksklusibo lang sa 11 bansa mula sa Timog Silangang Asya.

Malayong sumegunda ang Malaysia na mayroong 2-3-2, kasunod ang Thailand 0-7-5. Panlima ang Indonesia 0-1-1 at bokya sa medalya ang Brunei.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?