215
4 na babaeng ginawang sex slave na-rescue ng mga pulis
By

4 na babaeng ginawang sex slave na-rescue ng mga pulis

Patay ang dalawang hinihinalang drug pusher sa isang police operation sa Antipolo City, at nailigtas naman ang apat na babaeng di umano’y ginamit bilang mga sex slave.

Ayon sa report ng Inquirer.net, sinabi ni City police chief Supt Villaflor Bannawagan sa isang phone interview na isang alias “Julius” ang target ng anti-illegal drug operation na humantong sa shootout nitong Miyerkoles, Pebrero 20 dakong 11:50 ng gabi.

Bago ang naturang opersayon, nailigtas ang isang 18-anyos na babae na nagbigay ng direksyon sa mga pulis patungo sa bahay ng mga suspek sa loob ng Robinson’s Homes sa Barangay San Roque.

“It was a drug den which they also used as a sex den. They were bringing in girls and letting them sniff shabu,” saad ng opisyal.

Isang undercover na pulis ang bumili ng sachet ng di umano’y shabu mula kay Julius.

Ayon kay Bannawagan nakaramdam si Julius na may mga police back-up tea, sa paligid at nagsimulang magpaputok.

Nagpaputok din ang kasama nitong si Rolanda Tajan na siyang nag-trigger ng shootout.

Patay ang dalawang lalaki sa naganap na palitan ng putok ng baril.

Samantala, na-rescue naman ang 3 pang ibang babae na nasa edad 15, 18, at 22-anyos sa drug den.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?