134
sunog
Jun 20, 2018 @ 3:46
By

4 na apartment unit sa Pasig, naabo sa sunog

Nasa anim na pamilya ang naapektuhan at P400,000 halaga ng ari-arian ang naabo matapos na masunog ang apat na apartment unit sa Pasig Boulevard Extension sa Caniogan, Pasig City hating gabi ng Martes.

Ayon sa Pasig City Fire, walang nasaktan sa sunog na sinasabing nagsimula sa isang napabayaang kandila sa isa sa nasunog na apartment unit.

Kinailangan butasin ng mga bumbero ang mga kongkretong pader para maabot ang nasusunog na mga apartment dahil masikip ang mga daanan papunta sa apartment complex .

Umabot sa 3rd alarm ang sunog na idineklarang fire-out bago mag 3:00 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?