10
biff
By

4 miyembro ng BIFF, sumuko sa Maguindanao

Sharing is caring!

Kusang-loob na sumuko sa militar ang apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Ampatuan, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay, iprinisinta ang apat na BIFF kay Major General Arnel dela Vega, commander ng Joint Task Force Zampelan at kay Maguindanao Governor Ismael Mangudadatu.

Isinuko rin ng mga ito ang matataas na kalibre ng armas, kabilang na ang rocket propelled grenade, isang M16 rifle, Squad Automatic Weapon at Garrand rifle.

Sinabi ni Dela Vega na naramdaman ng apat na BIFF na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang adhikain na magkaroon ng kapayapaan sa buong Mindanao kaya sumuko na ang mga ito sa militar.

Hinikayat naman ni Dela Vega ang iba pang miyembro ng BIFF na sumuko na sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?