16

Jun 2, 2021 @ 20:21
By

4 mangingisda sa Capiz nawawala

Naiulat na apat na mangingisda ang nawawala sa bayan ng Pilar, Capiz.

Ayon sa Office of Civil Defense-Western Visayas, tumaob ang bangkang sinasakyan ng mga mangingisda dulot ng Tropical Storm Dante.

Nagtuloy pa rin daw sa paglalayag ang mga biktima sa kabila na Signal No. 2 sa Capiz, dagdag ng Office of Civil Defense-Western Visayas.

Samantala, ilang bayan sa probinsya ang lubog na sa baha kabilang ang President Roxas, Pilar, Sigma, at Dumarao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?