39
Barker dampot sa iligal na droga
Dec 17, 2019 @ 13:31
By

4 magkapatid, 1 pa huli sa droga

Isang magkapatid at kasama nilang babae ang dinakip ng mga awtoridad na akto umanong gumagamit ng iligal na droga sa Las Pinas City, Lunes ng madaling araw.

Kasalukuyan nakakulong sa detention cell ng Las Pinas City Police ang mga suspek na sina Jovelyn Gutierrez, 38; Julius Fontanilla, 38; at Jesus Fontanilla, 30; pawang nakatira sa Barangay Pulang Lupa 1 sa nasabing lungsod.

Sa report ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 sa pangunguna ni P/Sg. Marc Noel Aguilar sa Tambakan, Barangay Pulang Lupa 1 ng nasabing lungsod na ikinaaresto ng tatlong suspek, dakong alas-12:20 ng madaling araw.

Hindi nagawang pumalag pa ng mga suspek nang arestuhin sila ng mga pulis nang maaktuhan sa pot session at marekober ang isang selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang bukas na pakete ng umano’y nasabing droga at ilang drug paraphernalia.

Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) upang imbestigahan at sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?