30

Oct 10, 2020 @ 10:35
By

4 magkamag-anak todas sa niratrat na bahay

Patay ang apat na magkakapamilya, kasama ang isang menor de edad, sa pamamaril sa kanilang tinitirhan sa Pikit, North Cotabato, Biyernes ng hapon.

Ayon kay Pikit police chief Capt. Mautin Pangandigan, nasawi sina Sittie Alipolo Abdullah, 58; Zenaida Mustapha, 36; Laga Abdullah, 34; at isang 3-anyos na babae sa nangyaring krimen.

Samantala, sugatan din ang apat pang katao, kung saan tatlo dito ay mga menor de edad pa.

Nagpapahinga umano ang mga biktima sa loob ng bahay matapos maghapunan nang bigla na lang dumating ang apat na kalalakihan na armado ng M16 rifle, at saka pinagbabaril ang pamilya.

Saad ni Pangandigan, posibleng personal na galit ang pinag-ugatan ng nasabing pamamaril habang patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?