197

Jul 6, 2020 @ 22:20
By

4 lungsod sa Metro Manila nanganganib maging ‘COVID-19 hotspot’

Apat na siyudad sa NCR ang tinukoy ng Department of Health (DOH) na “emerging COVID-19 hotspots” dahil sa patuloy na pagtaas ng coronavirus infections.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa “emerging hotspots” ang Marikina sa 51 na bagong kaso (41.43% growth rate); Muntinlupa sa 30 na kaso (35.16% growth rate); Quezon City sa 406 kaso (34.5% growth rate) at Makati City sa 135 na kaso (30.18% growth rate).

Samantala, unti-unti naman aniyang bumababa ang mga kaso sa Visayas.

Pero kinakailangan ang patuloy na pagmo-monitor sa lugar para masustena ang pagbaba, dagdag ni Vergeire.

Sa ngayon naitala sa 46,333 ang COVID-19 case nationwide kabilang ang 12,185 recoveries at 1,303 deaths.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?