100

Jan 19, 2021 @ 21:36
By

4 lugar sa QC ila-lockdown

Ilalagay sa special concern lockdown ang apat na lugar sa Quezon City matapos ma-detect ng local government ang biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sanhi ng mga holiday gathering.

Sa inilabas na pahayag nitong Martes, sinabi ng city government na magpapatupad sila ng mas mahigpit na community quarantine status sa No. 62 Agno Extension sa Barangay Tatalon; No. 1 Salary Street sa Barangay Sangandaan; No. 54 Interior, Magsalin Street sa Barangay Apolonio Samson; at 9C, 9D, 97 La Felonila Street sa Barangay Damayang Lagi.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, City Epidemiological and Surveillance Unit head, isasailalim ang mga pamilya sa nabanggit na mga lugar sa swab testing.

Ang mga miyembro ng pamilya namang magne-negative sa test ay kailangan pa ring tapusin ang 14-araw na isolation requirement.

Kasalukuyang 29,276 ang naitalang kaso ng virus sa QC, 1,097 ang active case; 27,386 ang gumaling at 793 ang pumanaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?