By

4 lugar sa Maynila, inilagay sa watchlist kaugnay sa barangay, SK elections

Sharing is caring!

Tinukoy na ng Manila Police District ang mga lugar sa Maynila na nasa ilalim ng watchlist kaugnay sa synchronized barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, sa 896 na barangay sa Metro Manila, apat sa election watchlist ay nagmula sa Maynila.

Ito ay ang mga barangay 386, 648, 649, 650 na tinututukan ng MPD dahil sa madalas na election-related violence.

Habang ang iba namang lugar na itinuturing nilang areas of concern ay patuloy pa ring isinasailalim sa evaluation ng pulisya.

Nilinaw ni Margarejo, bukod sa apat na nasa watchlist, mayroong iba pang minomonitor ang MPD kaugnay sa nalalapit na campaign period.

Inatasan naman ni MPD District Director, Chief Supt. Joel Coronel ang lahat ng station commander na paigtingin ang paglaban sa kriminalidad at pagsasagawa ng Oplan Sita sa nasa watchlist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?