193
arrested-kalaboso-arestado-huli
By

4 LTO enforcers huli sa pangongotong

Nadakip sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Bohol ang apat na enforcers ng Land Transportation Office (LTO).

Nakatalaga ang mga suspek na sina Gaylord Tamara Pacaña, Bernard Clarin Jamorol, Walter John Yncierto at Jose Christian Hembra sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay NBI-Bohol chief Rennan Augustus Oliva, isinagawa ang entrapment operation matapos magreklamo ang isang tour operator laban sa mga enforcer na nangikil umano.

Itinalaga umano ang apat na enforcers sa LTO-Tagbilaran office ng anim na buwan para manghuli ng mga colorum na sasakyan.

Nitong Nov. 28, isang Rosendo Magan, Jr., na nagmamaneho ng isang tourist van na pag-aari ni Abraham Dante ang hinarang ng LTO Region 7 enforcers malapit sa Eskaya Resort.

Kinumpiska umano ni Pacaña ang lisensiya ni Magan pati na ang registration papers ng sasakyan nito.

Nag-demand umano ang apat na suspek ng P10,000 para ibalik ang registration papers ng sasakyan at ang driver’s license ni Magan kaya isinumbong ito ng huli sa NBI-Tagbilaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?