8

Feb 28, 2021 @ 9:43
By

4 lindol naitala sa Kanlaon

Umuga ang apat na lindol sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Bukod dito, ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Pebrero 28 bulletin nito, nagpakawala ang bulkan ng katamtamang puting usok na umabot sa 500 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 892 tonelada kada araw noong Pebrero 27.

Saad ng Phivolcs, nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing minumungkahi ng Institute ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone ng Kanlaon dahil may tsansa pa rin anilang sumabog ang bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?