34

Nov 11, 2021 @ 12:42
By

4 leon nagpositibo sa Covid 19

Apat na leon sa Singapore wildlife park ang nagpositibo sa coronavirus matapos mahawa sa zookeeper, at may mga sintomas kabilang ang pag-ubo at pagbahing.

Ang mga nanganganib na hayop ay nagsimulang magpakita ng mga sintomas noong katapusan ng linggo, na nag-udyok sa mga opisyal na magsagaw ng mga pagsusuri sa coronavirus.

Ayon sa animal and veterinary service, ang mga leon kasama ang limang iba pa sa Night Safari park ay inilagay sa kanilang kulungan.

Tatlong zookeeper mula sa Night Safari ang kumpirmadong nahawa. Ang parke ay isang open-air zoo na tahanan ng daan-daang hayop, na tumatanggap ng mga bisita sa gabi.

Nananatiling bukas ang Singapore Zoo at ang Night Safari, ngunit pansamantalang isinara ang mga lion exhibit. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?