70

By

4 kumpirmadong patay sa lindol sa Davao del Sur

Sumampa na sa apat na katao ang kumpirmadong patay sa tumamang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur, Linggo ng hapon.

Kabilang sa nasawi ang 6-anyos na batang babae sa Barangay Asinan sa bayan ng Matanao na nadaganan ng tipak ng pader sa kanilang bahay.

Samantala, narekober ang mga bangkay nina Elsa Ababon, 57; at Evangeline Artiaga, 67, sa gumuhong Southern grocery store sa Barangay Poblacion Lunes ng umaga.

Hindi naman nakukuha pa ang mga labi ng iba pang kumpirmadong patay sa lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?