108

Mar 30, 2021 @ 20:07
By

4 kidnapper bulagta sa QC shootout

Nasawi ang apat na hinihinalang kidnapper matapos takasan ang checkpoint at makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Quezon City nitong Martes.

Ayon sa Quezon City Police District, sa insidente ay nailigtas ang dalawang lalaking sina Edmer Tumagan at Michael Bongcaras.

Sabi sa ulat, nangyari ang shootout matapos takasan ng mga miyembro ng Wilbert G Bonilla kidnap-for-ransom group na sakay ng van ang police checkpoint sa Capitol Hills St. kanto ng Zuzuarregui St., sa Barangay Old Balara bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Naglagay umano ng checkpoint sa lugar matapos makatanggap ng report ang mga pulis tungkol sa planong pagdukot sa isang negosyante.

Narekober mula sa mga kidnapper ang iba’t ibang uri ng baril, bala, at apat na sachet na naglalaman ng shabu.

Panoorin: 4 kidnapper dedo sa QC pulis

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?