23

Oct 12, 2021 @ 15:33
By

4 katao sa Cagayan, Cordillera tigok kay ‘Maring’ -NDRRMC

Patay ang apat na indibidwal sa Cagayan at Cordillera region dahil sa bagyong “Maring.”

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes, isa ang nasawi sa Cagayan samantalang tatlo naman ang natsugi sa Benguet at La Trinidad.

Ani NDRRMC spokesperson Mark Timbal, ang tatlong nasawi ay menor de edad dahil sa landslide.

Bukod dito, 2 pa aniya ang nawawala dahil kay “Maring.”

Batay sa reprort, nasa 1,638 katao ang naapektuham ng bagyo. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?