37

Jul 18, 2021 @ 14:52
By

4 katao binaril sa baseball stadium

Nagkagulo sa isang baseball game sa Washington DC dahil sa nangyaring pamamaril sa labas ng Nationals Park.

Naglalaro ang Washington Nationals at San Diego Padres nang bgilang marinig ang ilang putok sa stadium.

Agad na nagpulasan ang mga fan dahil sa sunod-sunod na putok, ayon naman sa pulisya ay nangyari ang pamamaril sa labas ng venue.

Ayon sa DC Police Department, dalawa ang nabaril sa labas ng Nationals Park, habang may dumagdag pang dalawang biktima na naospital dahil sa tama ng bala.

Dahil sa pamamaril ay sinuspende muna ang laban ng Washington at San Diego.

Ayon naman sa pulisya, dalawa sa nabaril ay posibleng sangkot sa krime, at kinukuwestiyon na ang mga ito sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?