68

Nov 5, 2019 @ 18:30

4 kaabang-abang na DC film ngayong 2020

Matapos ang hit Joker film nitong Oktubre 4, 2019, maglalabas ang DC Extended Universe ng apat na pelikula sa taong 2020.

1. Birds of Prey

Mapanonood sa Pebrero 7 ang tungkol sa pagbabalik-takilya ni Margot Robbie bilang Harley Quinn ng Suicide Squad.

Sa pelikula, bubuo ito ng sarili niyang set ng mga female superhero. Gaganap din dito sina Mary Elizabeth Winstead bilang Huntress, Jurnee Smollett-Bell as Black Canary, Rosie Perez as Gotham City PD detective Renee Montoya, at Ewan McGregor bilang Black Mask.

Tingnan ang unang official trailer dito:

2. Cyborg

Mapanonood sa Abril 3, ngunit posible pang mausog ang petsa, ang standalone film ni Ray Fisher bilang Cyborg.

Una itong nag-cameo sa Batman v Superman: Dawn of Justice noong 2016.

3. Wonder Woman 1984

Mapanonood sa Hunyo 5 ang “different chapter” nitong patok na female superhero na naka-set sa taong 1984.

Gaganap dito si Gal Gadot at Chris Pine, maging sina Kristen Wiig at Pedro Pascal.

Base ang script ng Wonder Woman 1984 sa kwento nina American director Patty Jenkins at dating DC Entertainment president Geoff Johns.

4. Green Lantern Corps

Mapanonood sa Hulyo 24, ngunit posible pang mausog ang petsa.

Balak magkaroon ng maraming Green Lantern sa bagong pelikula, kahit pa umani ng batikos ang noo’y solo movie tungkol dito noong 2011.

Gaganap sa pelikula sina Hal Jordan at John Stewart.

Isusulat at ipo-produce ang Green Lantern Corps ni Johns, samantalang wala pang inanunsyong direktor para rito.

Simulan nang mag-ipon, DC fans!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?