5
arrested
By

4 huli sa shabu session sa Maynila

Sharing is caring!

Arestado ang apat katao matapos maaktuhang humihithit ng shabu sa isang barung-barong sa San Miguel, Maynila noong Sabado ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Kristal Aguirre, 21 anyos; Anuar Masfud, 45; John Gandamra, 32 at Jeffrey Junatas, 28 anyos.

Nagpapatrolya sina PO2 Jeron Jabagat at PO1 Jomar Bustillos ng Sta.Mesa Police Station(PS-8) ng maispatan ang mga suspek na humihithit ng shabu sa isang barung-barong malapit sa Pasig River Center, sa R. Palanca St., San Miguel.

Isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga pulis sa ginagawa ng apat na suspek.

Nabawi sa mga supsek ang 4 na sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?