85

Aug 10, 2018 @ 12:21
By

4 huli sa pot session sa Pasig

Arestado ang apat na lalaki matapos mahuli sa pagpa-pot session sa bahay ng isa sa mga suspek makaraang magsumbong ang isang kapitbahay kagabi sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Allan Dayton, Lester Mansinas, Gilbert Natividad at Joel Sabdao, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Pasig City.

Ayon sa report, naganap ang pag-aresto sa apat na suspek bandang alas-11:30 ng gabi sa 11A 1st St., Acacia, sakop ng Barangay Pinagbuhatan matapos makatanggap ng impormasyon ang tauhan ng Pasig Drug Enforcement Unit na may nagaganap na pot session ng shabu sa nasabing lugar.

Agad na nagreponde ang mga pulis at naaktuhang bumabatak ang apat na kalalakihan habang nakumpiska sa kanila ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu at drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell habang hinihintay ang kanilang pagdinig sa City Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?