46

By

4 huli sa pagma-mahjong sa loob ng bahay

Sharing is caring!

Nalambat ang apat na gurang sa paglalaro ng mahjong sa loob ng bahay kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Ayon sa report, hinuli ang apat katao na sina Waldo Mortel, Macario Manlapid, Ronald Santos, at Ponciano Tiongson, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Barangay Rosario, Pasig City.

Ayon sa mga biktima, nasa loob lang sila ng bahay sa F Andres St., Rosario bandang alas-otso kamakalawa ng gabi nang biglang pumasok ang mga pulis at agad na silang hinuli habang nagma-mahjong.

Sinabi naman ni Insp. Roberto Garcia ng hepe ng Investigation division ng Pasig Police, “Kapag may tawag silang natanggap na may nagaganap na sugal ay agad nilang hinuhuli kahit nasa loob pa ng bahay at ang apat na nagma-mahjong ay nasa loob nga ng bahay pero kita naman sa labas kaya hinuli dahil bawal talaga ang sugal.”

Giit naman ni Tiongson, simpleng katuwaan lang naman ang ginagawa nila at nahuli pa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang dice, 1 mahjong set at Php 1700.00 bet money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o Illegal Gambling Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?