795

Jun 28, 2019 @ 16:58
By

4 higante pasok sa Final 12 ng Gilas Youth

Isang 7-footer, dalawang 6-foot-10 at isa pang 6-foot-8 forward ang babandera para sa Gilas Pilipinas Youth sa pagsabak sa Greece para sa 2019 Fiba U19 World Cup.

Matagal nang usapan ang balik tambalan nina Kai Sotto, na inaasahang mas lumakas pa dahil sa US training sa pangarap na makapasok sa NBA, at AJ Edu na naglalaro din sa para sa University of Toledo sa Tate.

Sahog pa ang big man ng Ateneo na si Geo Chiu at Nazareth School of National University forward Carl Tamayo.

Bukod sa mga bigs, hitik din ang guard rotation ng Gilas Youth, papangunahan ng Europe-based guard na si Dalph Panopio, katuwang sina Gerry Abadiano at Terrence Fortea ng Bullpups, at mga tirador na sin Xyrus Torres ng FEU-Diliman, James Spencer ng UP at Migz Oczon ng NU.

Kasali rin si Dave Ildefonso ng NU at Rhyyan Amsali ng San Beda sa final lineup.

Haharapin ng Gilas sa Hunyo 30 ang host team na Greece, ganap na alas-1:30 ng madaling-araw sa ‘Pinas, Argentina kinabukasan at Russia naman sa Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?