39

Apr 25, 2020 @ 13:11
By

4 health worker sa Baguio, sapul ng COVID

Tinamaan ng COVID-19 ang apat na health worker mula sa Baguio City base sa anunsyo ng local government nitong Sabado.

Ayon sa public information office ng Baguio, ang mga COVID-19 positive ay dalawang doktor, isang nurse at clerk na nagtatrabaho sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC).

“All patients are confined at the BGHMC and are stable,” ayon sa pahayag ng Baguio PIO.

Nagsimula na ng contact tracing sa mga pasyente at staff ang ospital na pinamumunuan ni Dr. Ricardo Ruñez.

“We will start disinfecting wards, have advised to temporarily stop admissions and communicating with other hospitals for this matter. We will continue with the triage,” ayon kay Ruñez.

Samantala, magpapatupad naman ng lockdown si Baguio Mayor Benjamin Magalong sa Woodsgate Subdivision Camp 7 at Santo Tomas Proper maging sa BGH compound kung saan nakatira ang mga tinamaan ng COVID-19 positive.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?