123
ginebra
By

4 Ginebra player salang na sa PH team training

Libre nang makapag-ensayo ang apat na manlalaro ng Ginebra San Miguel matapos ang kanilang kampanya sa PBA Governors Cup.

Saad ni Team Pilipinas assistant coach Caloy Garcia, posibleng makasabay ni head coach Yeng Guiao sa pagbabalik sina Greg Slaughter, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at si Fiba veteran LA Tenorio sa practice ng PH national team.

Pansamantalang nawala si Guiao dahil sa business trip at ngayong Linggo ang balik.

Samantala, hindi pa sigurado kung makakasabak na sa practice sina Magnolia player Ian Sanggalang at Paul Lee na tutulak sa finals kalaban ang Alaska Aces.

Makakasalang man ang apat na GInebra player, mukhang hindi na sila makakasama sa lineup para sa tuneup kontra sa Jordan dahil kasado na ang 13 manlalarong sasalang dito.

Ito ay sina June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Jayson Castro, Gabe Norwood, Troy Rosario, Beau Belga, JP Erram, Matthew Wright at ang dalawang Gilas cadet na sina Kai Sotto at Ricci Rivero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?