45
shootout
Jul 6, 2018 @ 13:59
By

4 galamay ng criminal gang, patay sa shootout sa Zamboanga

Nasawi ang apat na miyembro ng criminal group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang enforcement operation sa Purok 4, Brgy. Cumarom, Midsalip, Zamboanga del Sur kahapon.

Batay sa ulat ni PNP Region 9 Spokesperson Police Chief Inspector Helen Galvez, bitbit ang warrant of arrest, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division 9 at Midsalip Municipal Police Station ang pinagkukutaan nina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan, na kapwa most wanted person sa Zamboanga del Sur.

Ngunit nakatunog ang mga suspek sa presensya ng mga pulis kaya pinaputukan ang operating unit.

Agad na namatay sa shootout sina Ramon at Rondi habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing suspek.

Responsable ang grupo sa mga nangyayaring pamamaril sa mga lugar sa Zamboanga del Sur.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang ilang improvised shotguns o paltik, isang kalibre .45, iba’t ibang bala at mga patalim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?