51

Oct 13, 2017 @ 17:11

4 flights kinansela dahil sa Bagyong Odette

Kinansela na rin ang apat pang domestic flights dahil sa epekto ng bagyong odette sa Hilagang Luzon.

Hindi na pinalipad ang Skyjet flight M8 816 / 817 ang Manila to Basco, Batanes at Basco to Manila.

Gayundin ang Cebu Pacific flight  5J 506 / 507 Manila to Tuguegarao to Manila.

Una nang kinansela ang Pal Express flights 2P 2084 / 2085 na may biyaheng manila to basco to manila. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?