15

Jun 13, 2020 @ 16:19

4 empleyado ng munisipyo kinapitan ng coronavirus

Nagpositibo sa coronavirus antibody rapid test ang apat na empleyado sa munisipyo ng bayan ng Lemery, ayon sa lokal na pamahalaan nitong Biyernes.

Sa report ay sinabi ni Mayor Oscar Villegas Jr, na nasa quarantine facility na ang mga ito at sumailalim na rin sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

Napag-alaman na nagsagawa na rin ng contact tracing ang lokal na pamunuan sa mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa rapid test.

Ayon pa sa alkalde, inisyatibo ng bayan na isailalim sa testing ang kanilang mga frontliners. (Riz Dominguez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?