38
gun
Dec 8, 2019 @ 17:44

4 dedo sa pamamaril malapit sa bahay ng Mexican President

Apat katao ang patay sa pamamaril na naganap ilang hakbang lang ang layo mula sa opisyal na tahanan ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador sa Mexico City, Mexico.

Ayon sa mga awtoridad, sa ulat ng Associated Press, pumasok ang isang di kilalang lalaki sa apartment malapit sa National Palace at ginustong umihi sa patyo.

Nang hinarap siya ng mga residente, bumunot na ito ng baril at pinagbabaril ang mga residente: tatlo ang namatay habang dalawa naman ang sugatan.

Binaril ng isang pulis ang ‘di kilalang gunman.

Ayon sa mga ‘di nagpakilalang residente, mapanganib ang kanilang kalye kahit pa malapit ito sa National Palace, na nilipatan at tinirhan ni Obrador mula nang pumasok siya sa pwesto isang taon na ang nakalilipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?