96

Oct 18, 2021 @ 19:45
By

4 Chinese utas sa buy-bust

Nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Angeles, Pampanga ngayong Lunes kung saan apat na Chinese suspek ang napatay at P262 milyon shabu ang nakumpiska.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Cai Ya Bing, 29; Erbo Ke, 34; Huang Guidong, 43; at Wuyuan Shen, 41.

Isinagawa umano ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency ang buy-bust operation dakong alas-10:00 a.m. ng umaga ngunit armado ng tig-iisang caliber .45 pistol ang mga suspek.

Wala namang nakaligtas sa kanila matapos ang shootout.

Nakumpiska sa mga Chinese ang 38 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P262,200,200 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?